Funny Jokes: Pinoy Jokes




Martha: Mare, pwede ba, dito muna ako sa inyo? Lumayas ako sa amin. Kasi,
buntis ako.

Guada: Dapat, sa taong nakabuntis sa 'yo ka pumunta!

Martha: Kaya nga rito ako pumunta, eh. Nandiyan ba si pare?

-----------------------------------------------------------------------------

may isang pangit na dalaga na humiling sa kanyang Fairy Godfather.

Sabi ng pangit na dalaga, "Ninong Fairy, may mapa ako rito ng Amerika.
Dalhin mo ako roon para matagpuan ko ang gwapong lalaki na magmamahal sa
akin."

"Hindi pwede!" tugon ng Fairy Godfather. "Dito lang sa Pilipinas gumagana
ang kapangyarihan ko!"

"O, sige," pag-ayon ng pangit na dalaga, "Maging ordinaryong tao ka na
lang
at pakasalan mo ako!"

Sagot ng Fairy Godfather, "Patingin nga uli ng 'tang 'nang mapang 'yan at
baka magawan ng paraan!"


0 comments